Ja Morant ng Grizzlies, iniimbestigahan na ng mga awtoridad matapos maglabas ng baril sa kanyang instagram live

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad si Ja Morant ng Memphis Grizzlies matapos maglabas ng baril sa kanyang instagram live.

Makikita kasi sa video na habang sumasayaw si Morant at naka-Instagram live ito, makikitang naglabas ito ng baril at mabilis din na ibinaba at pinagpatuloy ang pakiki-party kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Iniimbestigahan na rin ng NBA ang video clip at iginiit na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril ng isang manlalaro.

Hindi naman suportado ni Grizzlies head coach Taylor Jenkins ang ginawa ni Morant.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *