Ja Morant, sinuspinde ng Grizzlies dahil sa muling pagpapakita ng baril sa Instagram live

Sinuspinde ng Memphis Grizzlies ang lahat ng team activities ni Ja Morant dahil nakita na naman itong naglabas ng baril sa Instagram live.

Ang hakbang na ginawa ng koponan ay matapos niyang ulitin ang pagkakamali habang nakasakay sa passenger seat ng isang kotse at kumakanta ng isang rap song.

Nakarating na rin sa NBA ang ginawa ni Morant.

Matatandaang noong Marso, sinuspinde ng walong laro ng NBA si Morant dahil sa kumalat niyang larawan habang sinasayawan ang isang babae sa isang club at paglalabas ng baril habang siya ay naka-Instagram live.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *