JLGMH sa Olongapo, problema na ang kakulangan sa mga healthcare workers

OLONGAPO-Pipilitin ng James Gordon Memorial Hospital na tanggapin ang mga tinamaan ng corona virus disease na ang kondisyon ay severe at critical.

Ito ay kahit pa sobra-sobra na sa bed capacity ang bilang ng mga naka-admit ngayon sa pagamutan dahil umabot na sa walumpot apat ang admitted gayong 81 lang ang orihinal na kapasidad.

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, madali para sa management ng ospital at ng city government ang maghanap ng karagdagang isolation facility pero ang malaking problema ngayon ay ang kakulangan sa mga healthcare workers.

Ganunpaman, sinabi ni Manuel na walang magagawa ang mga James Gordon Hospital kundi tanggapin ang mga pasyenteng may malalang kondisyon dahil sa covid19 habang inaantay na may maidagdag sa bilang ng mga doktor at nurses.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *