Kadiwa Trade Fair ng DA Region 3, hanggang ngayong araw na lang

Hanggang ngayong araw na lang ang Kadiwa Trade Fair na inilunsad ng Department of Agriculture o DA Region 3, kaugnay sa pagdiriwang ng Filipino Food Month.

May temang “Pagkaing Sariling Atin, Mahalin at Pagyamanin” ang trade fair na matatagpuan sa Marquee Mall, Angeles City.

Dito ay ibinibida ang mga produktong pang-agrikultura at ibang processed foods na gawa ng mga lokal na magsasaka.

Samantala, layon ng programa na panatilihin, pagyamanin, at isulong ang kultura at kasaysayan ng mga lutuin at pagkaing gawang Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *