Kagulohan sa dance contest sa Sofronio Española, iniimbestigahan na

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Coast Guard District Palawan sa ginanap na dance contest na may nangyaring kagulohan sa bayan ng Sofronio Española, kagabi May 23, 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM kay CG LTSG GRETCH MARY BLANCA ACURIO, nakarating na sa kanya ang ulat na may video ng kagulohan kung saan isinasangkot ang isang tauhan ng coastguard.

Ayon sa kanya ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang panig kaya humantong sa gulo.

Pumunta raw ang off-duty na tauhan para panoorin ang dance contest kung saan kalahok ang kanyang kapatid bago mangyari ang insidente.

Samantala, ayon kay Kap. Abner Tesorio ng Barangay Pulot Sofronio Española, nag-ugat ang suntokan sa sagian ng tauhan ng coastguard at ng isang dancer sa loob ng gymnasium.

Ang kagulohan sa pagitan ng dalawang panig ay naawat at natuloy ang dance contest kagabi na bahagi ng 27th founding anniversary ng LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *