Kahalagahan ng komunikasyon at Media sa lipunan kinilala ng Simbahan

CAMARINES NORTE- Nagpahayag ng pagkilala ang Simbahang katolika sa kahalagahan ng komunikasyon at papel ng media sa lipunan.

Sa kaniyang homily sa pagdiriwang ng World Communications day kahapon, sinabi ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Daet na ang gawaing pang komunikasyon ay hindi madali dahil sa iba’t- ibang isyung nakapaloob dito.

Sa katunayan aniya ay maraming away sa bahay, sa trabaho man o sa magkakaibigan dahil sa miscommunication, tsismis at fkae news.

Hinimok rin ng Obispo na ipagdasal ang mga mamahayag dahil sa napakahalagang trabahong kanilang ginagampanan na kung minsan ay nalalagay sa peligro ang buhay.

“They perform a very important and critical work, many of them risk their lives to go to places and situations where many would not there go, they are the ones who provides us information on what is happening on our barangays, in our municipality, province and our country, on what is happening on the West Philippine Sea, on the rollout of the vaccination, on scene crimes, on the war in Israel, in refuge’s camp and many others,” ani Alarcon.

Dahil din umano sa mga media practioners at sa social media kaya’t nagkakaroon tayo ng access sa maraming impormasyon at nagagawagang makipag ugnayan sa bawat isa sa kabila ng mga hadlang at restrictions lalo na ngayong mayroong pandemya.

Ang World Communications Day ay ipinagdiriwang ng simbahan sa tuwing Ascencion Sunday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *