Kahandaan ng pagkain sa hapag-kainan, pangunahing adbokasiya ng DA sa paglunsad ng Plant, Plant, Plant Program

SORSOGON CITY – Pangunahing adbokasiya ng nasabing programa ang pagtiyak ng pagpapanatili ng seguridad at kahandaan ng pagkain sa loob ng bakuran ng bawat kabahayan ngayong panahong ipinatutupad ang quarantine bunsod ng pandemyang COVID-19, ito ang ipinahayag ni NEDA-Bicol Regional Director Agnes Tolentino sa nagdaang presscon via zoom.

Katuwang umano ng DA ang Agricultural Training Institute sa pagsasakatupuran ng mga aktibidad at programa para sa pagpapalago ng produksyon ng bigas, mais, gulay at mga fishery products simula sa kasagsagan ng pandemya noong nakalipas na taon.

Ayon pa sa opisyal, ang kasalukuyang pandemya at quarantine ay nagpakita ng kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa kabuhayan ng bawat pamilya. Ang krisis, kung saan  apektado ang buong mundo ay nagpapatunay na ang isang bansa tulad ng Pilipinas ay hindi dapat umasa lamang sa importasyon  ng mga pagkain kundi dapat ito’y maging food sufficient.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsisikap ng departamento na mapunuan ang demand ng pagkain sa lalawigan ng Sorsogon maging sa buong rehiyon ng Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *