Kai Sotto, nagpakitang gilas na sa ginanap na NBA 2K24 Summer League

Nagpakitang gilas na nga ang Pinoy pride na si Kai Sotto matapos ang kanyang debut sa ginanap na NBA 2k24 Summer League kontra sa Portland Trail Blazers sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Ikinatuwa naman ito ng kanyang fans matapos na mabangko ang batang basketbalista noong mga nakalipas na araw.

Si Sotto ay pumasok sa laro simula ng second period at nakapag-ambag ng 6 points, 4 rebound, at tatlong block, at isang assist  

Nag-convert sa dalawa pang field goal at na-block ang dalawang shot sa fourth quarter ni Sotto, kahit na hawak na ng Blazers ang laro sa bahaging iyon.### Rizadel Lopez, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *