Kalalakihan na nag-alok umano ng “rides” sa 2 estudyante, natunton na

Natunton at kinilala na ng Anti- Crime Task Force (ACTF) ang tatlong rider na nag-alok di umano ng libreng sakay sa dalawang estudyante sa Barangay Sta. Monica sa Puerto Princesa.

Ikinaalarma kasi ito ng magulang ng dalawang 16 anyos na batang babae kaya inimbestigahan agad ng puliya ang katotohanan sa insidente.

Ayon kay PMaj. Noel Manalo ng Police Station 2, nitong gabi ng Miyerkoles, April 19 ay dinala sa PS2 ang tatlong kalalakihan at napag-alaman na nagta-trabaho ito sa tindahan ng boho sa Barangay Sta. Monica.

Pawang mga taga- bayan umano ito ng Quezon, Palawan at mga nasa hustong mga gulang na.

Isinailalim umano ang mga ito sa profiling bago inimbestigahan at ayon umano sa kanila wala silang masamang intensyon sa dalawang estudyante nitong gabi ng Linggo, April 16, 2023.

Nais lang daw nilang “makipag-kaibigan” at “makipag-textmate” sa mga estudyante, ayon pa kay Major Manalo.

Samantala, sa ngayon wala umanong pwedeng i-charge o isampa na reklamo sa kanila subalit kinuhan sila ng mga larawan ng awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *