Kaligtasan ng mga estudyante sa COVID-19 tiyakin sa full implementation ng face-to-face classes- Dr. Vergeire

NAGA CITY-  Bumababa man ang kaso ng COVID-19 at marami ang bakunado, kailangang matiyak pa rin ang kaligtasan ng mga estudyante sa full implementation ng face-to-face classes sa susunod na buwan.

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) OIC  Sec. Dr. Maria Rosario Vergeire sa pagpagharap nito sa press conference sa pagbisita sa Bicol Medical Center (BMC) sa Naga City.

Binigyang diin ng opisyal na dapat masiguro ng mga paaralan na may nagbabantay o may nag-iikot sa mga classrooms upang masita ang mga hindi nag susuot ng facemask.

Ayon kay Vergeire suportado ng DOH ang DepEd basta’t hindi naisasantantabi ang health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *