Kamara isinilbi na ang 60-day suspension order kay Cong. Teves

Naisilbi na ng Kamara kahapon kay Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. ang ipinataw na 60-day suspension sa kanya dahil sa patuloy niyang pagliban sa congressional proceedings sa kabila ng expired na travel authority.

Inilabas ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco ang kopya ng suspension order ni Teves na may petsang March 22.

Makikita sa kopya na natanggap na ng opisina ni Teves ang suspension order.

Matatandaang una nang nagsampa ng tatlong murder complaints ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong nakaraang buwan laban kay Teves dahil sa mga pagpatay.

Dawit din si Teves sa March 4 assassination ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Itinanggi naman ng mambabatas ang pagkakasangkot sa mga krimen subalit hindi pa rin bumabalik ng Pilipinas mula sa overseas trip.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *