Kampanya sa paggamit ng eco bag at bayong, sinimulan ng San Antonio

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng San Antonio, Zambales ang kampanya sa paggamit ng eco-bags at bayong sa pamimili sa bayan ng San Antonio.

Ito ay para mabawasan ang kalat at polusyon sa bayan na dulot ng paggamit ng plastic.

Noong nakalipas na February 23 ay sinimulan ng LGU ang pagpaskil ng mga paalala sa pamilihan na magdala ng sariling eco-bag at bayong sa pamimili.

Paalala din ni Mayor Edzel Lonzanida na iwasan na rin ng mga vendors ang pagbili ng mga plastic o cellophane.

Kaugnay nito, ang bayan ng Iba ang isang munisipyo na nagpapatupad na rin sa pagbabawal sa paggamit ng plastic bags sa pamimili.//Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: Agila ng San Antonio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *