Kapitan, patay matapos malunod sa isang beach sa Surigao del Sur

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang beach outing ng mga barangay officials at pamilya ng Brgy. Sawagan, Veruela, Agusan del Sur matapos inatake sa puso ang kanilang punong barangay dahilan ng kanyang pagkalunod sa isang beach resort sa Sitio Pugad, Brgy. Payasan, Lianga, Surigao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Mario Polinar Tumale, may-asawa, Punong Barangay ng Brgy. Sawagan, Veruela Agusan del Sur.

Sa panayam kay P/SMSGT Domendes Melloria, chief investigator ng Veruela Municipal Police Station. Na noong madaling araw ng Sabado, Hulyo 16, lumuwas ang mga barangay officials at pamilya ng nasabing barangay para sana sa beach outing patungong Sitio Pugad, Brgy. Payasan, Lianga, Surigao del Sur para maligo.

Dalawang oras sa kanilang pagdating sa nasabing beach, kasamang naligo at sumisid sa ilalim ng dagat ang nasabing kapitan kahit medyo nakainum ito. Ilang minuto ang nakalipas, nagulantang na lang ang ibang naliligo dahil may palutang-lutang na katawan ng tao na unti-unting dinala sa malalim na parte ng dagat

Agad na binigyan ng CPR para ma-revive ang nasabing biktima pero bigo ang rescuers na maisalba ito. Dinala pa sa Lianga District Hospital ang biktima pero dineklara na itong dead-on-arrival sa attending physician.(PEARL PEREZ | BNFM TRENTO, AGUSAN)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.