Paghahanda sa Ati-atihan Festival 2023, pinauumpisahan na

Sa pamamagitan ng isang resolution, ipinaabot ng Sangguniang Byn ng Kalibo ang kanilang suporta sa intensyon ni kalibo Mayor Juris Sucro na direktang pangasiwaan ang Kalibo Santo Nino Ati-atihan festival 2023.

Hiniling din ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na agad na simulan ang pag plano sa mga aktibidad sa Ati-atihan.

Matatandaan na inanunsyo ni Kalibo Mayor Sucro sa kanyang unang Executive Meeting nitong July 1, 2022 na ang LGU Kalibo ang direktang mamamahala sa ati-atihan Festival sa halip na pangasiwaan ng third party non- government organization.

Ang Kalibo Santo Nino Ati-atihan Festival ay kilala bilang “Mother of All Philippine Festivals”.

Ito ang nag-iisang Philippine Festival at isa sa 12 Southeast Asian Festivals sa Everfest’s 300, isang listahan ng 300 Best Festivals on Earth na na-curate ng international festival authorities. (BNFM KALIBO | MARIVIC ILIN)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *