Kapitolyo, dinagsa ng mga tagasuporta ni Albay Gov. Rosal; ilang supporters, tumungo sa Supreme Court

Hindi na napigilan ang mahigit 500 mga tagasuporta ni Albay Gov. Noel Rosal na nagmula pa sa iba’t ibang distrito ng lalawigan sa pagdagsa ng mga ito sa kapitolyo ngayon araw, kung saan maging ang mga kapulisan ay nagulantang sa biglaang pagdami ng mga tao sa nabanggit na lugar.

Ayon kay PLtCol. Dennis Balla, Chief of Police ng Legazpi CPS, hindi na bago sa kanila ang pagdatingan ng mga tao sa kapitolyo dahil ilang araw na rin silang nagbabantay dito.

Aniya, wala naman silang namomonitor na gagawa ng kaguluhan sa lugar.

Umaasa ang opisyal na magiging mahinahon ang gagawing aktibidad dito.

Samantala, tumungo naman ang Korte Suprema sa Maynila ang humigit-kumulang 200 na mga tagasuporta ng gobernador upang magsagawa ng kilos-protesta.

Ginawa umano nila ang naturang hakbang upang ipaabot ang kanilang panawagan na i-grant ng korte ang ang temporary restraining order (TRO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *