Karagatan ng Pto Diaz at Bulan, may potensyal sana sa salt production – DOST Sorsogon

Binigyang diin ng Department of Science and Technology (DOST) Sorsogon na base sa kanilang isinagawang pag-aaral ang mga kagaratang bahagi ng Prieto Diaz at Bulan sana ang may potensyal na makapagproduce ng asin.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay DOST Sorsogon Provincial Director Engr. Sandro Noguera sinabi nito na ang dalawang LGU ang nais sana nilang maging pilot municipalities.

Subalit, dahil sa paiba- ibang klima ng lalawigan gaya ng hindi normal na pag-ulan at matinding init ay malabo itong maisakatuparan dahil pinaka-importanteng dapat na ikonsidera pagdating sa salt production ay ang klima.

Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na may iba pang paraan upang magkaroon ng produksyon ng asin sa lalawigan at ito ay sa pamamagitan ng pag-aangkat ng mahinang kalidad ng asin sa murang halaga at ang DOST na lamang umano ang gagawa ng paraan upang ito ay maging purified o maging refined na uri ng asin gamit ang teknolohiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *