Karagdagang 400 vials ng Sinovac vaccine dumating sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Dumating sa lalawigan ng Camarines Norte noong Biyernes ang nasa 400 vials ng Sinovac vaccine na para pa rin sa mga kabilang sa A1 priority o health workers.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, gagamitin ang 400 vials na bagong dating na vaccine para pang habol sa mga kabilang sa A1 priority na ayaw pang magpabakuna.

Aniya susuyurin ng PHO ang bawat munsipyo at barangay upang alamin kung sino- sino pang health workers ang ayaw magpabakuna.

Aminado si Francisco na mayroon pa ring mangilan- ngilan sa mga ito na ayaw magpabakuna kaya’t ito umano ang target nila ngayon na mabakunahan upang magkaroon ang mga ito ng proteksyon.

“Meron pang ayaw magpabakuna pero anyway yun naman ay sinusuyod natin, ibig sabihin ino- audit natin yung bawat munispyo, bawat barangay, para makamit natin yung 100 % na A 1 priority na mabakunahan na po,” ani Francisco sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Inanunsiyo naman ni Francisco na nangunguna ang Camarines Norte sa Bicol Region sa vaccination sa A1 priority matapos makapagtala ng 96 % na nabakunahan.

Pero posible umanong umabot na ito ng 98 % hanggang kahapon dahil tuloy- tuloy naman ang ginagawang pagbabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *