Kasong frustrated murder naisampa na kontra Police Col. na umanoy nanakit ng kapwa pulis sa Albay

LEGAZPI- Pormal nang isinampa ni PMSGT Brabante dakong 4:15 kahapon ang kasong Frustrated Murder kontra sa suspek na si PCOL Dulnoan Dinamling Jr, Regional Commander of Aviation Security Group 5 na umano’y nanakit sa kanya.

Nanawagan rin ang Police Regional Office V na hayaan na ang Special Investigation Task Group (SITG) ang mag-imbistiga sa insidente.

Samantalang kinumpirma naman ni Police Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP Bicol na si Police Col. Dulnoan D. Dinamling Jr. ang ilang araw pa lamang na nakaupo bilang Regional Commander ng Aviation 5 bago naganap ang umanoy pananakit at panghaharass sa kay PMSG Ricky S Brabante na nakatalaga sa Aviation Security Group noong nakaraang linggo.

Ayon kay Police Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP Bicol, nakakalungkot lamang umanong isipin na nagsisimula pa lamang umano bilang bagong Regional Commander si dinamling sa Aviation na nakabase sa Alobo bayan ng Daraga, Albay.

pagtalikod umano nito, ilang hakbang pa lamang, di alam na nasa likod ang suspek at pagharap ay tinamaan umano ng baso nito.

Kung maaalala, nasa holding unit ngayong ng Camp Crame ang suspek habang siniguro naman ng PNP ang patas na pag-iimbistiga sa isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *