Kick- off activity ng Civil Registration Month isinagawa kaninang umaga sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isinagawa kaninang umaga ang kick- off activity ng 2023 Civil Registration Month sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng isang fun walk mula sa PSA Provincial Office patungo sa Bagasbas na nilahukan ng mahigit 60 katao na binubuo ng PSA employees at ng mga Local Civil Registrar sa iba’t- ibang bayan.

Ikinatuwa naman ng mga participants ang pagbuti ng lagay ng panahon na tila nakisama sa ginawang aktibidad.

Sumilip na ang haring araw matapos ang ilang linggo nang halos walang humpay na buhos ng ulan sa lalawigan.

Pagkatapos ng fun walk ay nagsagawa ng coastal clean- up ang PSA at MCR employees sa Bagasbas beach.

Nagkaroon ng gift giving sa halfway homes na matatagpuan din sa Barangay Bagasbas.

Kabilang din sa mga aktibidad na nakahanay sa month long celebration ay ang Civil Registration Quiz na tinawag na sukatan ng kaalaman tungkol sa Talaang Sibil na lalahukan din ng mga personnel ng Municipal Civil Registrar.

Ang mananalo dito ang siyang ipapanlaban sa Regional Level at ang mananalo naman ay ipambabato sa National Level.

Magkakaroon din ng mga aktibidad sa iba’t- ibang local government unit tulad ng mga mass wedding at forum patungkol sa Civil Registration.

Nakipag ugnayan na rin ang PSA sa Department of Education hinggil sa gagawing Civil registration Forum sa ilang secondary schools.

Ang Civil Registration Month ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero sa bisa ng Proclamation No 682 ni Pangulong Corazon C. Aquino noong Enero 1991.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *