Sekyu na nakuhanan ng hindi lisensyadong baril, arestado

Arestado ang 28-anyos na security guard matapos na mailabas na ng korte ang warrant of arrest nito dahil sa pag-aari ng hindi lisensyadong baril.

Kinilala ang akusado na si John Orlie QuinoƱes, binata at naninirahan sa Brgy Bororan, Donsol, Sorsogon.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 52, 5th Judicial Region, Sorsogon City sa kasong paglabag sa RA 10591 na may itinakdang piyansa na P200K.

Una nang nadakip ang akusado noong buwang ng Setyembre ng nakaraang taon nang maisumbong ito ng isang concerned citizen sa Donsol Police na may dala-dalang mahabang baril habang naglalakad sa Brgy Central ng nasabing bayan.

Nakumpiska ng mga awtoridad kay Quinones ang isang hindi lisensyadong 12-gauge shotgun.

Sa patuloy na pag-imbestiga, nabatid na ang nasabing baril ay wala sa listahan ng PNP Logistic Data Information and Management System (LDIMS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *