Kobe Paras, mananatili sa B.League ng isang season at pumirma sa Altiri Chiba

Mananatili si Kobe Paras sa Japan’s B.League ng isang season at pumirma ng kontrata sa Division 2 squad Altiri Chiba.

Ayon kay Altiri director Yoshihide Arai, may pambihirang physical ability at malawak na karanasan sa paglalaro ng basketball si Paras.

Aniya, excited na sila na makasama ang naturang basketbolista kung saan inaasahan ang pagbabago ng kanilang koponan dahil sa talento umano nito.

Samantala, nagpapasalamat naman si Paras sa oportunidad na ibinigay sa kanya at ready na umano siyang makita ang kanyang mga teammates at fans ng Altiri Chiba. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.