Kompanya ng kutson sa New York, hiring ng mga taong mahilig matulog

MAHILIG ka bang matulog maghapon? Ikaw ba yung tipo ng tao na kapag nasandal ay nakakatulog agad? o kaya naman ay  kakagising pa lang pero antok nanaman?

Marahil ito na ang iyong pagkakataon para pagkakitaan ang pagiging matakaw sa tulog dahil naghahanap ngayon ang isang “mattress company” sa New York ng empleyadong kanilang su-swelduhan para lamang matulog at maging “professional sleeper” gamit ang kanilang mga ginawang kutson.

‘Hiring’ ngayon ang Casper mattress company ng mga taong madaling makatulog, tulog mantika at kayang makatulog ng mahimbing kahit sa mga lugar na hindi pangkaraniwang tulugan.

Ang mga nasabing katangian ang ilan sa mga kwalipikasyon na hinahanap ng naturang kompanya para sa pag hired ng kanilang mapipiling aplikante.

Kabilang sa magiging trabaho ng professional sleeper ang i-dokumento ang kanyang pagtulog at pag post ng video sa social media.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang pagtanggap ng aplikasyon kung saan pinapayuhan ng kompanya ang mga aplikante na i-post sa social media app na TikTok ang kanilang audition video ng pagtulog.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published.