Koneksyon ni Trillanes sa China, kinwestyon ni Enrile

Para kay dating senador Juan Ponce Enrile ay nanatiling misteryo ang koneksyon umano ni dating senador Antonio Trillanes sa mga matataas na opisyal ng China na naka-negosasyon nito noong 2012 kaugnay sa isyu sa Scarborough Shoal.

Sa weekly Talk To The People briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi ni Enrile na noong siya ay nagsilbi bilang Senate President, ay sinabihan niya noon si dating Pangulong Benigno Aquino III na mag-ingat kay Trillanes.

Kinwestyon naman ng Pangulo kung bakit napili ni Aquino noon ang isang “military man” na asikasuhin ang back-channel talks.

Iginiit ng Punong Ehekutibo na nagpabalik-balik si Trillanes sa China ng 16 na beses, at makalipas lamang ang dalawang araw mula sa huling pagbisita nito sa China ay naagaw na ang Scarborough mula sa Pilipinas.

Samantala, isiniwalat rin ni Enrile na sinabi noon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na nagreklamo ang dating Philippine ambassador sa China na si Sonia Brady dahil sa pag-bypass ni Trillanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *