Kwalipikasyon kaugnay sa Barangay at SK elections, inilabas ng COMELEC

CAMARINES NORTE- Inilabas ng COMELEC ang kwalipikasyon kaugnay sa Barangay at SK elections na gaganapin sa ika-30 ng Oktubre ngayong taon

Para sa tatakbong Punong barangay at Sangguniang barangay, kailangang mamamayan ka ng bansang pilipinas, registered voter ng barangay kung saan ka tatakbo at residente ka dito na hindi bababa sa isang taon.

Kailangan rin ay marunong magbasa at magsulat ng wikang Filipino o dialect ng inyong lugar at hindi bababa sa 18 anyos ang inyong edad.

Samantala, para naman sa mga tatakbong Chairperson at miyembro ng Sangguniang Kabataan, kabilang sa requirements ay dapat 18 taong gulang o hindi hihigit sa 24 na taong gulang sa araw ng eleksyon. Ayon kasi sa batas at jurisprudence, hindi umano maaaring humigit sa eksaktong 24 na taong gulang sa araw ng eleksyon ang nagnanais na tumakbo para sa anumang posisyon sa Sangguniang Kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *