Laborer, arestado sa drug buy-bust operation sa Tabaco City, Albay

Arestado ang isang laborer sa ikinasang drug buy-bust operation sa P-5, Bonto Boulevard, Sto. Cristo Tabaco City, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Warren”, 23 anyos at residente ng P-7, Relocation Site, Brgy. Salvacion ng nasabing lunsod.

Ayon sa report, inaresto ang nasabing suspek ng pinag-isang pwersa ng Tabaco CPS, Albay Maritime Police Station, at 503rd Manuever Company RMFB 5 at sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA 5.

Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang pirasong small heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang timbang na 0.70 grams at market value na PHP 4,760.00 kapalit sa Php 2,000.00 at isang pirasong boodle money.

Narekober din sa kanya ang mga ilegal na droga at perang ginamit bilang buy-bust money.

Ang suspek ay pansamantalang dinala sa Tabaco CPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *