Supply ng Tilapia sa Buhi, Camarines Sur, kulang pa rin

NAGA CITY – Nararanasan pa rin ngayon ang kakulangan ng supply ng tilapia sa Buhi, Camarines Sur.

Ang kakulangan ng tilapia ay epekto pa ng sunod-sunod na fish kill sa Lake Buhi nitong nagdaang taon.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga nang makapanayam si Mark Nazarrea, Information Officer ng bayan.

Aniya, tinatayang nasa 80% stocks ng tilapia ang napinsala dahil sa fish kill noon, at 20% na lamang ang natirang stocks o tilapiang nasa Lake Buhi na pinapa-ikot nila.

Ang naging rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa kanila ay iwasan o i-hold na muna ang pagre-stock ng mga bagong tilapia sa mga fish cage, kaya lamang ayon sa Lake Development Office, may ilan nang fish cage operators ang nagre-stock bilang paghahanda dahil sa fiesta.

Patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang ang LGU upang ma-protektahan, ma-preserve at ma-conserve ang tilapia sa bayan.

Ang Buhi ay pinagkukunan ng supply ng Naga City People’s Mall o merkado publiko ng lungsod gayundin mga karatig bayan.

Ngayon sa Batangas sila umaasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *