DOH: walang unique variants na nadetect mula sa walong COVID-infected Pinoys mula sa China

Iniulat ng Department of Health na walang unique o unusual COVID-19 variants na nadetect sa walong infected Filipinos na umuwi ng Pilipinas mula sa China.

Mababatid na ang walong Pinoy ay dumating mula sa China noong Dec. 27, 2022 hanggang Jan. 2, 2023, kung saan positibo ang mga ito sa COVID-19 sa isinagawang antigen tests.

Kaugnay nito, tatlo sa kanila ay BF.7 at ang isa ay BA 5.2, na hindi naman umano mga bagong variants.

Dagdag ni DOH Director IV of the Epidemiology Bureau Dr. Alethea De Guzman, na bagama’t walo sa kanila ay positibo sa COVID-19, ang apat sa mga infected Pinoys ay hindi maaring ma-assigne ng specific coronavirus lineage, dahil minsan umano, sa kakatransport nadedegrade ang kalidad ng specimen kaya hindi ito ma-sequence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *