Lalakeng nakabangga-patay sa isang Ginang sa bayan ng Mercedes noong Pebrero arestado

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang construction worker na nakabangga- patay sa isang Ginang sa bayan ng Mercedes  Camarines Norte noong Pebrero matapos  maglabas ng warrant of arrest ang korte.

Ayon sa pulisya, inaresto si Reynan Flores y Ongog 21, nitong Huwebes sa Barangay Pambuhan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Municipal Trial Court dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Nagrekomenda ng halagang P60, 000 na piyansa ang hukuman para sa kaniyang pansamantalang paglaya na ngayon ay nasa kustodiya na ng Mercedes Municipal Police Station.

Matatandaan na noong Pebrero ay aksidenteng nabangga ng minamanehong motorsiklo ni Flores ang isang 57 anyos na ginang na naglalakad lang sa kalsada patungo sa niyogan upang maligo sa balon

Bumagsak sa kalsada ang biktima makaraang mabangga ng motorsiklo at nagtamo ng injury sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Naisugod pa noon ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital at nadala sa Bicol Medical Center sa Lungsod ng Naga pero binawian din ng buhay bago pa man isailalim sa isang operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *