Lalaki galing abroad source ng bagong COVID-19 outbreak sa Fujan province sa China

Isang lalaki sa China na nakakumpleto ng kanyang 21 day mandatory quarantine matapos manggaling sa abroad ang itinuturong source ng bagong outbreak sa Fujan province sa China.

Ayon sa report, umabot na sa mahigit 60 tao kabilang ang 15 elementary school pupils ang bagong nahawa ng COVID-19.

Unang natuloy ang infection sa magkapatid na estudyante sa routine COVID-19 test sa elementary school sa Xianyou county sa Putian City.

Nang sumunod na araw ay na-detect naman na isa pang estudyante at tatlong magulang ang positibo sa virus.

Dito lumabas sa imbestigasyon na ang lalaking parent na nanggaling sa Singapore ang pinaniniwalaang source ng outbreak kahit pa nakumpleto nito ang required na quarantine.

Napag-alamang negatibo ito sa 9 na bese na test sa loob ng 21 days pero lumabas na positibo ito sa COVID-19, 37 days matapos nitong bumalik ng China

Matatandaan na isa ang China sa mga itinuturing na pinaka-istrikto sa border control simula nang pumutok ang pandemya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *