Lalaking bilanggo sa Paraguay, nagbalatkayo bilang isang babae para makatakas sa kulungan

Paraguay—Tanyag na tanyag ngayon sa bansang Paraguay ang pangalang “Gordito Lindo” dahil tumutukoy ito sa isang lalaking PDL o bilanggo sa lugar na nagpanggap bilang isang babae upang makatakas sa kulungan.

Batay sa ulat ng local news media, walang hirap at mabilis na nakatakas ang bilanggong si Cesar Ortiz aka “Gordito Lindo” matapos itong magdamit at mag-ayos pambabae.

Lumalabas sa imbestigasyon na pumasok umano ito sa isang pribadong silid sa loob ng bilangguan kung saan sa tulong ng kanyang kasabwat ay nagdamit ito ng pambabae, naglagay ng make up, false eyelashes at fingernails.

Mula sa totoong pangalan na Cesar Ortiz, ginamit nito ang pangalang “Gordito Lindo” na nangangahulugang – “pretty chubby.”

Samantala, bagaman nakapuslit ay agad din itong nadakip ng mga pulis makaraang matunton ang kanyang pinagkublian makaraan ang dalawang oras na pagtakas sa kulungan.

Dahil sakanyang ginawa, dinagdagan ng hukuman ng tatlong taon at siyam na buwang pagkakakulong ang kanyang sentensya.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *