DOH 12 kailangang makabakuna ng higit 700,000 ngayong Hunyo upang maabot ang 80% target sa COVID 19 vaccination

KORONADAL CITY- UPANG maabot ang target na 80% COVID 19 vaccination coverage, kailangan ng Department of Health o DOH Region 12 na mabakunahan ang nasa 738,809 na mga indibidwal hangaang sa Hunyo 30.

Ito ang inihayag ni DOH 12 regional immunization program coordinator Dr. Edvir Jane MontaƱer.
Ibig sabihin nito na kada araw, kailangan ng mga itong makapagbakuna 33,589 katao hanggang sa katapusan ng buwan.

Ang mga sumusunod ay ang daily vaccination target sa bawat lugar: 13,497 sa North Cotabato; 4,206 sa South Cotabato; 7,096 sa Sultan Kudarat; 5, 908 sa Sarangani; 1,369 sa General Santos City; at 1,507 sa Cotabato City.

Sa datos ng DOH 12 noong June 6, nasa 2,529,576 pa lamang o 62.11 % ng 4,072,485 target population sa Soccsksargen ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *