Lalaki, pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Lipa City, Batangas

Nakaligtas sa bingit ng kamatayan ang isang lalaki na kolektor ng mga pahulugang produkto matapos pagbabarilin ito ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Rizal, Lipa City. Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang biktima na si Jesus Esguerra, 50 anyos at residente ng Brgy. Muntingtubig, Ibaan, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, alas-5:30 ng umaga ng ika-5 ng Hunyo, habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungong Calamba, Laguna.

Sinundan ito ng dalawang suspek na sakay naman ng itim na motorsiklo.

Pagdating sa bahagi ng naturang barangay na pinangyarihan ng krimen ay dalawang beses itong binaril ng isa sa mga suspek at tinamaan ito sa kanyang kanang kamay at kaliwang braso.

Nagawa pang makatakbo ng biktima kaya naman sinubukan uli itong barilin ng suspek.

Subalit nabigo itong maasinta muli ang biktima.

Matapos ang insidente ay kaagad na umalis ang mga suspek sa krimen at dinala agad ng mga opisyal ng barangay ang biktima sa pinaka-malapit na ospital.

Sa ngayon ay nasa maayos na kundisyon na ang biktima at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring krimen para matukoy at malaman kung ano ang motibo sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *