Landslide naitala na dahil sa bagyong ‘Maymay’ – DPWH

Naghahanda na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa posibleng adverse impact ng tropical depression “Maymay” at iginiit na ang malakas na ulan dahil sa naturang weather disturbance ay nagdulot na ng landslides na nakaapekto sa mga daan na nagkokonekta sa mga probinsya ng Quirino at Aurora.

Ayon sa DPWH-Quirino District Engineering Office (DPWH-QDEO), namonitor nila ang major landslides sa Dissimungal, Nagtipunan, Quirino.

Dahil dito, isinara ang naturang kalsada dahil sa landslides at rock falls mula sa bundok.

Iniulat din ng DPWH ang pagbagsak ng 91-meter mountainside sa Section 4 ng nagpapatuloy na road rehabilitation.

Dahil dito, binalaan ni DPWH Regional Director Nomer Abel P. Canlas ang publiko na iwasang dumaan sa naturang kalsada dahil sa hindi inaasahang banta at kadelikaduhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *