Youth consumerism tampok sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month ngayong taon

CAMARINES NORTE- Puspusan ang kampanya ng Department of Trade and Industry (DTI) para ipalaganap ang Consumer awareness ng publiko sa pagdiriwang ngayong Oktubre ng Consumer Welfare Month.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “Sustainable Consumerism in the Digital Age” na naglalayong patuloy na ipalaganap ang consumer protection and welfare ngayong digital age.

Isa sa highlights ngayong taon ay ang ginawang aktibidad ng ahensiya katuwang ang Camarines Norte State College na tinawag na “Youth Consumerism” na ang pinaka konsepto ay maisama ang consumer education sa curriculum ng eskwelahan na ginanap noong nakaraang linggo.

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng mga opisyal ng eskwelahan,  student leaders at mga kinatawan ng DTI Provincial Office.

Una nang sinabi ni Consumer Protection Division Head Alvin Sayno ng DTI Camarines Norte na nais ng ahensiya na maitaas ang level of awareness ng mga estudyante dahil mayroon na ang mga itong purchasing power.

May allowance na raw kasi ang mga ito at bumibili na sila ng mga produkto st serbisyo kaya importante umanong mataas na rin ang kanilang kamalayan patungkol sa consumerism.

Photo: Claire Ann Jimenez, Internal Associate Editor, Breakthrough CNSC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *