Lasing na motorista, huli ng pulisya sa Brookes Point

Arestado ng pulisya ang isang motorista na umanoy nasa impluwensya ng alak bandang alas-nwebe kagabi sa ROTONDA ng Brookes Point, Palawan.

Kinilala ng Brookes Point PNP ang motorista na si Michael Anthony Napal, 27 anyos.

Sa ulat ng PNP, sinita ng mga nagpapatrolyang pulis si Michael dahil sa mabilis nitong pagpatakbo ng motorsiklo habang pagiwang- giwang patungo sa Brgy. Tubtub, Brooke’s Point.

Nang ito ay hinanapan ng lisensya ay wala itong naipakita habang hindi makausap ng maayos dahil sa kalasingan.

Samantala, nahaharap ang motorista sa paglabag sa Section 53 ng Republic Act 4136 o o driving while under influence of liquor.

Kaugnay nito, ipinagdiinan ng pulisya na ipinagbabawal ang pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak at walang lisensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *