Legal counsel ng magkapatid na magsasaka, maghahain ng motion for reconsideration laban kay Retired General Jovito Palparan

Inaaral na ngayon ng mga legal counsel ng magkapatid na magsasaka ang mga susunod na hakbang matapos na ma-acquit ang kasong kidnapping at serious illegal detention with serious physical injuries na kanilang isinampa laban kay dating retired general Jovito Palparan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Cristina Palabay, Sec. Gen. ng KARAPATAN, sinabi nito na ikinagulat at ikinagalit ng kampo nina Raymond at Reynaldo Manalo ang naging hatol ng Malolos City Regional Trial Court Branch 19 sa kaso ni Palparan.

Giin naman ni Palabay, una nang nahatulang guilty ang dating opisyal na si Palparan para sa kasong kidnapping sa mga UP students noong 2006 kung kaya hindi akalain ng magkapatid na magsasaka sa kabila ng kanilang matibay na mga pahayag ay ganoon ang kahahantungan ng kaso.

Samantala, sampung taon na ang nakalipas nang ihain ng Manalo brothers ang mga kaso kay Palparan at iba pa niyang kasamahan kung saan binatikos rin ng National Union of Peoples Lawyers ang pagkaka-abswelto sa nsabing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *