Legazpi city veterinary office, planong magsagawa ng mga sesyon ng pagsasanay at seminar para sa tamang pag-aalaga ng mga itik

LEGAZPI CITY – Pinaplano ng Legazpi City Veterinary Office na magsagawa ng mga sesyon ng pagsasanay at seminar sa mga mabibigyan ng itik o mga benepisyaryong magsasaka sa lunsod.

Ayon kay City Vet head, Dr. Emmanuel Estipona, tuturuan nila ang mga benepisyaryo ng tamang pamamaraan sa pamamagitan ng programa ng Genetic Improvement and Enhancement at Government on Hunger Intervention and Expansion.

Aniya, ang pag-aalaga ng mga itik ay hindi lamang basta-basta, dahil may mga proseso ito upang maparami at mapagkakakikitaan.

Dahil dito, gumagawa ng paraan ang kanilang tanggapan upang mas maparami ang mabibigyan nang libre; gayundin naman sa sinumang magpapakita ng interes upang mag-alaga ng mga itik sa kanilang mga bakuran.

Umaabot sa 1,500 na itlog ng peking duck ang ibibigay bawat taon at ang mga ito ay mapipisa gamit ang incubator machine ng City Vet at ang mga duckling ay ibibigay sa mga magiging benepisyaryo.

Sinabi ni Estipona, dapat ding malaman ng mga benepisyaryo kung paano tatandaan ang mga itlog upang makagawa ng siglong itlog at sa paggawa ng “balot” at “itlog na maalat” bilang bahagi ng pagsisikap ng kanilang opisina na iangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at manggagawang bukid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *