LGU at iba pang ahensiya ng gobyerno nagsanib pwersa para sa Bayanihan Bakunahan sa Paracale

CAMARINES NORTE- Nagsanib pwersa ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Paracale, Camarines Norte para sa 3-day National Vaccination nag simula kahapon.

Sa pag-umpisa nga ng 3-day National Vaccination kahapon ay nagsimula rin ang Bayanihan Bakunahan sa RHU 1 Paracale, Camarines Norte o ng Municipal Health Office.

Katuwang sa aktibidad ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection.

Kasama rin sa mga binakunahan ay ang mga kabilang sa Indigenous Peoples Community sa Brgy. Tabas katuwang naman ang MDRRMO at PNP.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 13, 695 ang bilang ng mga nabakunahan sa naturang bayan bago ang national vaccination days.

Ito ay 30. 65 % pa lang ng target population na 44, 676.

Nasa 1, 148 ang daily vaccination target sa naturang bayan na mayroong 85 % vaccine utilization rate.

Nasa 157 naman ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan hanggang November 28, 2021.

Hinihikayat naman ng DOH Center for Health Development ang lahat na magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa malubha, kritikal na sintomas o kamatayan na dulot ng COVID-19.

Photos Courtesy: Opisina ng Punong Bayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *