LGU Cauayan City, tiniyak na walang pagluwag sa pagpapatupad ng health protocols kasunod ng pagkakaroon ng “green lanes”

Tiniyak ng Cauayan City Local Government na hindi magkakaroon ng pagluwag sa mga ipinatutupad na health protocols kasunod ng pagbibigay ng “green lanes” para sa mga fully vaccinated inbound flights.

Ito ang inihayag ni Atty. Reina Santos ang tagapag-salita ng LGU Cauayan sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, bagaman pinapayagan nang makapasok sa syudad ang mga byahero na nakatanggap na ng second shot ng bakuna dalawang linggo bago ang kanilang byahe ay sasailalim pa rin ang mga ito sa mandatory triage at strict home quarantine.

Ayon pa kay Atty. Santos, malaking tulong din ito sa mga byahero na makaiwas pa sa karagdagang gastos at naniniwala rin siya na makakatulong itong mahikayat ang mga tao na tumanggap na rin ng COVID-19 vaccine.

Samantala, hinimok din niya ang mga kababayan na kahit wala pa sa kategorya na prayoridad ng pamahalaan ay magparehistro online habang hinihintay ang pagkakataon na sila ay mabakunahan.

Inaasahan naman aniya na masisimulan na rin sa mga susunod na araw ang pagbabakuna sa mga kabilang sa priority group A4 o mga essential workers at uniformed personnel.

Photo/ Cauayan APS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *