LGU DAET ikinukunsidera na ang positive Rapid Antigen Test result ay confirmatory COVID case.

CAMARINES NORTE – Ikinukunsidera ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Daet na ang positive Rapid Antigen test result ay confirmatory covid case.

Sa naging pahayag ni  IMT Planning Section Chief/Daet MDRRM Officer Santiago Mella, Jr, Gumawa na sila ng mapa kung saan ang may tanda ng pula ay kailangang i-regulate, at i-restrict ang pagpasok ng APOR o authorized persons outside residence sa alinmang barangay ng Daet.

Kung kaya’t ayon sa naturang opisyal ang mahigpit na border checkpoint ng Provincial IMT sa Tuaca, Basud at Tabugon, Santa Elena lalo na ang isinasagawang rapid antigen test sa nasabing mga hangganan o borders. ay nakakatulong  para mabantayan ang mga pumapasok sa lalawigan partikular sa bayan ng Daet

Kaugnay nito, naglatag ng 3 sangay para sa COVID-19 ang naturang LGU, ito ay ang:

Pagkakaroon ng tig-iisang Ligtas Covid Kiosk sa tatlong RHU nito na syang magsasagawa ng initial assessment para sa mga pasyente mula ika -8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Ang pangalawang sangay naman ay ang itinayong malapit sa Incident Command Post na siyang tutukoy o magdedetermina kung ang pasyente ay kailangang i-solate o hindi. 

Habang ang pangatlong sangay ay ang Municipal COVID 19 Ligtas Center na syang sasagot at tutugon sa pangangailangan ng kanilang mga kababayan   kapag sarado na ang Branch 1 and 2.  Sila ang tatawag sa emergency / hotline numbers gayundin sa  Quick Response Team para agapayan at i-check ang health status ng pasyente. 

Bukod dito,  nagtalaga din ng contact tracing group sa 25 barangay para magsagawa ng monitoring at tracing sa loob ng labindalawang (12) oras.

Gayundin ang pagbuo ng Task Force Terminal ng pinagsamang puwersa ng MDRRMO at PDRRMO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *