LGU umaasang magiging maayos na ang serbisyong patubig sa bayan ng Basud kasunod ng binuksang proyekto sa naturang lugar

CAMARINES NORTE- Positibo ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud na magiging maayos na sa mga susunod na araw ang serbisyong patubig lalo na sa mga Barangay na hirap sa ngayon.

Kasunod ito ng binuksang proyekto na Pipe Laying Extension/ Interlooping Line ng Primewater at Camarines Norte Water District mula sa Barangay Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz  patungong Barangay Laniton, Basud.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco suportado ng munisipyo ang mga ganitong proyekto lalo pa at hindi umano kakayanin ng munisipyo ang mga  ganitong proyektong patubig.

Ayon sa Alkalde hindi lang ang Laniton ang namomroblema ngayon sa suplay ng tubig kundi lalo’t higit ang kasentruhan, ang Barangay Poblacion 1 at Poblacion 2.

Hindi na rin umaabot ang tubig sa may Mocong area na matagal nang idinadaing ng mga residente sa lugar

Ayon naman sa isang Barangay Kagawad ng Laniton, matagal na nilang pangarap na magkaroon ng sapat na suplay ng tubig sa kanilang lugar.

Mas mainam aniya kung manggagaling na ito mismo sa San Lorenzo Ruiz patungo sa kanilang lugar.

Hindi raw umaabot sa kanila ang tubig kung idadaan pa ito sa Daet

Ayon sa Primewater ang proyektong ito ay magbibigay ng dedicated water supply hindi lang sa  Basud kundi maging sa dalawang Barangay ng san Lorenzo Ruiz

Solusyon umano ito sa nararanasan ngayong low pressure lalo na sa mga endpoints ng Basud.

Ibinida ng kumpanya na mabebenepisyuhan ng proyekto ang nasa mahigit 3, 900 na water service connection para ma- improve ang pressure at inaasahan din ang karagdagang 150 bagong service connection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *