Mga penguin at otters sa Japan ayaw kumain ng mumurahing isda?

Dahil sa patuloy na pagtaas presyo ng mga bilihin sa buong mundo hindi lang tayo ang apektado dahil pati na rin ang ating mga alaga hayop ay kailangan magtipid.

Sa bansang Japan, usap-usapan ngayon sa social media ang mga Penguin at otters sa Hakone-en Aquarium matapos nilang tanggihan ang mga pinapakain sa kanila na mas murang isda.

Ang pagkain na kanilang kinasanayan ay isdang ‘Aji’ o Japanese Horse Mackerel ngunit tumaas ang presyo nito ng nasa 20-30% mula noong nakaraan taon kaya pinalitan ito ng pangkaraniwang mackerel o “Saba”

Ayon sa head zookeeper na si Hiroki Shimamoto, hindi nagustohan ng mga penguin ang pagbabago ng kanilang diyeta na dulot ng inflation.

Ayon sa mga eksperto, ang mga masisilang hayop ay maaaring naninibago sa lasa ng kanilang bagong pagkain kaya ayaw nilang kainin, kumpara sa kinasanayan nila na pagkain.

Dagdag pa rito, ang pagtaas ng gastos sa pagpapatakbo ng aquarium ang nag-udyok sa kanila na gumawa ng ilang desisyon para mabawasan ang gastusin tulad ng paggamit ng mas kaunting ilaw at pagbabago sa mga pagkain ng mga hayop.

Aniya, hindi naman nila pinababayaan ang mga ayaw kumain ng bagong isda dahil binibigyan din nila ito ng Aji o ang nakasanayan nilang kainin.### BERLYN VILLACRUZ, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *