Lima, patay matapos sumabog ang isang ilegal na fireworks factory sa Calamba City, Laguna

Lima ang kumpirmadong patay, habang apat naman ang sugatan matapos ang pagsabog ng isang pagawaan ng kwitis sa Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Distaster Risk Reduction ang Management Office, kaninang madaling araw nang sumabog ang naturang imbakan ng paputok sa Barangay Canlubang ng naturang lungsod.

Kaagad naman itong sinundan ng sunog, dahilan sa pagkasawi ng lima na mga indibidwal.

Napag-alaman namang nasa loob ng isang residential area ang naturang warehouse ng paputok.

Nadiskubre ring sa online lang natuto ng paggawa ng kwitis ang may-ari ng pagawaan na agad din namang naaresto.

Dahil dito, inaalam na kung mayroon ba itong karampatang permit dahil mahigpit na ipinagbabawal ang mga firecracker factory at warehouse sa mga lugar na malapit sa mga kabahayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaaang kamakailan lamang nang sumabog din ang isa pang imbakan ng paputok sa Bulacan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *