Lipa City Hall binulabog ng bomb threat; Alkalde ng siyudad, sinasabing target

Binulabog ng bomb threat ang Lipa City Hall kung saan target umano ang alkalde at dalawang pang opisyal ng nasabing siyudad.

Nangyari ang pagbabanta matapos na makatanggap si Pol Staff Sgt Daryl Sarmiento na duty sa Tactical Operations Center ng himpilan mula sa hindi nagpakilalang texter na di umanoy may tatlong bombang sasabog sa cityhall.

Ayon sa texter anumang oras sa nasabing maghapon ay pasasabugin ang bomba at isang gwardiya umano ang kumilos at binayaran ng P150,000.

Nilalaman pa ng mensaheng na.. kilala niya ang mga may gawa pero ayaw niya itong pangalanan.

Nag-utos din ang texter na diretso nang sabihin ang sitwasyon kay Lipa City Mayor Eric Africa at wag nang ipakalat pa para hindi magpanic ang mga tao.

Si Mayor Africa umano at dalawang bagong konsehal ang target ng pagpapasabog.

Literal din na sinabi ng texter na “Hindi siya tumutulong ayaw nya lang may mapahamak na mga inosenteng tao at walang kamalay-malay.”

Hindi naman binalewala ang mensahe kung kayat agad na kumilos ang SWAT team ng Lipa City PNP upang makapagbigay ng security assistance ganundin ang mga kagawad ng Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Group para sa technical assistance.

Matapos ang inspeksyon ay naidineklara namang clear at ligtas sa anumang kahina-hinalang explosive device ang city hall.

Inaalam nan ng pulisya kung sino ang responsable sa naturang pagbabanta.(BNFM BATANGAS)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *