Local authorities ng Ambaguio, Nueva Vizcaya magkakaroon ng pagpupulong kaugnay sa pagguho ng lupa na ikinasawi ng 4 na katao

Magkakaroon umano ng pagpupulong ang mga otoridad sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya kasunod ng pagkamatay ng apat na katao makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa nasabing bayan.

Ayon kay PLt. Christian Vincent Tomas, ang Deputy Chief Of Police ng Ambaguio Police Station, magpapatawag ng pagpupulong sa mga kasapi ng MDRRMO, BFP, PNP at LGU ng Ambaguio upang pag-usapan ang dapat gawin sa site na pinangyarihan ng landslide upang hindi na maulit ang trahedyang ito.

Magugunitang nasawi ang apat na katao matapos matabunan ng lupa habang gumagawa ng concrete slope protection wall sa pribadong lupain sa Sitio Naduntog, Tiblac, Ambaguio.

Aniya, talagang unstable o malambot umano ang lupa doon sa naturang lugar.

Sinabi rin ni Plt. Tomas na balak umano sanang i-develop ng may-ari ang lupa subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay naganap ang naturang insidente.

Bagaman, nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap ang pamilya ng biktima at may-ari kung saan nangako itong magbibigay ng financial assistance sa mga naulilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *