Lola patay matapos barilin ng lasing na pulis, kremin nakunan ng video

Nahaharap sa kasong murder ang pulis ma kinilalang si Police Master Sgt. Hensie Zinampan naka-assign sa Police Security and Protection Group matapos nitong malapitang barilin ang kanyang kapitbahay na 52-anyos na babae sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City kagabi.

Nakunan ng video ang pamamaril ng pulis sa biktimang si Lilybeth Valdez.

Sa naturang video na viral na ngayon, makikitang sinusundan ng pulis ang lola at habang papalapit sa biktima ay inilabas nito ang baril at itinago sa kanyang likuran.

Bigla na lamang nitong ikinasa ang armas at sinabunutan ang lola.

Nakiusap pa ang biktima na huwag syang sabunutan, pero bigla na lang nitong binaril sa leeg na agad naman humandusay.

Makikita din sa video na may mga bata sa paligid nang maganap ang kremin.

Agad naman nahuli si Zinampan matapos ang isinagawang follow-up operation ng mga kapulisan.

Sa panayam naman sa suspek mariin nitong itinanggi ang ginawang kremin habang narekober naman ang baril na ginamit nito sa pagpatay sa matanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *