Lolo na Top 1 most wanted, arestado sa San Juan, Batangas

Arestado ang itinuturing na Top 1 most wanted provincial level ng Batangas sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Subukin, San Juan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Marciano De La Roca, 60 anyos at residente ng Brgy. Balagtasin, San Jose, Batangas.

Ayon sa San Juan Municipal Police Station, ang suspek ay wanted sa mga kasong Murder, Frustrated murder at Attempted Murder. 

Sa bisa ng warrant of arrest ay isinagawa ng San Juan MPS ang pag-aresto kay alyas Marcial sa kanyang tinutuluyang bahay.

Nabatid na noong January 2010 pa ito sinampahan ng kaso.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa naturang himpilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *