Long-term projects para masolusyunan ang pagbaha, pinag-aaralan na ni PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na kailangan na ng pangmatagalang solusyon para maiwasan na ang mas matinding epekto ng mga kalamidad sa bansa.

Sa pagharap ni Marcos sa media matapos ang relief distribution sa Noveleta, Cavite – sinabi ng Pangulo na bumabalangkas na sila ng mga ‘long-term’ solutions para matugunan ang matinding pagbaha na nararanasan sa Lalawigan.

Aniya, magkakaroon ng plano ang National Government para kahit na lumakas pa man ang pagbuhos ng ulan ay hindi na babaha pa at maiiwasan na rin ang mga landslides.

Sa katunayan, mayroon na umanong nilulutong programa na popondohan ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency o JICA.

Partikular na rito ang pagpapalaki sa ilog na daraanan ng tubig, at ang maayos na flood-control program.

Sa Cavite, tinatayang aabot sa 18,000 mga pamilya ang nagsilikas bunsod ng matinding pagbaha dahil sa Bagyong Paeng.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *