LPA, posibleng pumasok sa PAR sa Sabado o Linggo

Posibleng pumasok sa bansa ang low-pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao sa pagitan ng Sabado o Linggo.

Pero ayon sa Pagasa, hindi naman aasahan na lalakas bilang tropical cyclone ang LPA sa susunod na 24 na oras.

Sa forecast ng weather bureau, huling namaataan ang naturang sama ng panahon sa 2,215 kilometers silangan ng Mindanao, habang kumikilos pa-kanluran.

Sa oras na makapasok ito sa PAR, tatawagin itong Dante.

Sa ngayon, ang intertropical convergence zone (ITCZ) ang mararamdaman ng Mindanao, kung saan iiral ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers.

Ang Luzon at Visayas naman ay makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon, dahil sa easterlies. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *