Lucena Train substation, nalalapit nang isaayos

Nakatakda umanong isaayos ng nasyunal na pamahalaan ang Lucena Railway Station matapos magpresenta ng China Railway Design Corporation ng ilang mga detalye at datos hinggil sa rehabilitasyon nito sa isang pagpupulong kasama ang Department of Transportation (DOTr), Philippine National Railways (PNR), China Railways, National Housing Authorities (NHA) at RC Pollo.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Mayor Roderick Alcala upang mapaghandaan ng lokal na pamahalaan ang rehabilitasyon lalo na ang mga lubos na maapektuhan ng nasabing pagsasaayos.

Ayon kay Urban Poor Affairs and Development Head Miled Ibias, hindi pababayaan ng pamahalaang panglungsod ang mga residente at mga kabahayang madadamay sa nasabing proyekto dahil mayroon na aniyang nakalaang relocation site para sa mga ito.

Sakali namang private property ang madadaanan ng proyetko ay babayaran ito ng PNR. Nagpapasalamat naman si Mayor Alcala sa mga ahensyang nagtulong-tulong para maisaayos ang Lucena substation na isa sa mga historical landmark ng lungsod.

Kapag naayos, inaasahan itong magdulot ng kaginhawahan sa mga commuters na makarating sa kanilang destinasyon gaya ng Maynila at hindi na makakaranas ng mabigay na daloy ng trapiko.

Samantala, target naman ng China Railway na matapos ang proyekto sa 2025. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *